PINAS

Pagpasok ng rainy session, maagang pinaghandaan ng PDRRMO-Pangasinan

Pinaghahandaan na ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office o PDRRMO-Pangasinan ang pagpasok ng rainy session o panahon ng tag-ulan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Avinex Arenas, spokesperson ng PDRRMO na ito’y kahit nagpapatuloy pa ang implementasyon ng “Oplan SumVac” na magtatapos sa Hunyo 5 o mismong araw ng pasukan.

Ayon kay Arenas, dumaan na rin ang ilang miyembro ng PDRRMO sa training, pag-operate ng rubber boat at safe water and life guard saving.

Patuloy din naman aniya ang monitoring ng PDRRMO sa baybaying dagat ng lalawigan dahil sa rip current na posibleng maging dalihan ng pagkalunod ng mga beach goers.