Binulabog ng bomb threat ang Pasay City Regional Trial Court (RTC) makaraang makatanggap ng banta ang isa sa mga branches nito.
Dahil dito, pansamantalang itinigil ang mga pagdinig sa Pasay RTC at pinalabas ang mga empleyado at mga dumalo sa pagdinig.
Ideneklara naman na ligtas at negatibo sa bomba ang Hall of Justice makaraang siyasatin ng Pasay City Police’s Special Weapons and Tactics Team and Explosive Ordinance Division.
Sa ngayon, balik-normal na ang operasyon sa Pasay RTC.