KUNG inaakala ng marami na tapos na ang career ni Pia Wurtzbach matapos ang kanyang reign o pagrereyna bilang Miss Universe, nagkakamali sila. Katuna yan, itinalaga siyang Goodwill Ambassador of the Asia Pacific Joint United Nations Program on HIV/AIDS (UNAIDS).
Ayon sa former Miss Universe, samantalang nasa New York siya ay naisip niya kung paano siya makatutulong sa dumaraming Pinoy na may HIV/AIDS. Gusto raw niya kasi na maipalagana pang HIV-AIDS awareness sa Pilipinas at magkaroon ng zero discrimination sa mga taong mayroon nito.
“What I really want to do is make people aware that it can happen to anybody. Literally, everyone can get it, including me, if we’re not careful, if we don’t know the preventive measures,” ani Pia na hinikayat ang lahat ng sexually active Pinoy na magpatingin para makasiguro.
Naniniwala si Pia na sa pamamagitan ng kanyang 4.4 million followers sa Instagram, mas marami siyang maaabot sa kanyang bagong advocacy.
Wish din niya na pababain pa ang age of consent para sa mga magpapa-HIV test. “(That is) so that more people can get themselves tested. Right now, the age is 18,” dagdag pa niya.