Kailangang ilatag ng Pangulong Duterte ang basehan bago magdeklara ng Martial Law sa buong bansa.
Ito ang pahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon matapos ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kapag umabot na ang grupong ISIS sa Luzon ay posibleng ipatupad na sa buong bansa ang Martial Law.
Maging si Sen. Kiko Pangilinan na pangulo ng Liberal Party ay nanindigang hindi dapat ipatupad ang Martial Law sa buong Pilipinas, mariin umano nilang tututulan ang pagpapatupad nito sa buong bansa.
Sinabi naman si Sen. Risa Hontiveros na isa ring myembro ng minorya sa senado na ang pagpapatupad ng Martial Law sa buong Mindanao at ang planong i-extend ito sa buong Pilipinas ay huwag maging cover up lamang ng intelligence failure ng pamahalaan.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Sen. Hontiveros na nag-uusap-usap pa ang mga miyembro ng minorya sa senado upang alamin ang tunay na posisyon kaugnay sa usapin ng Martial Law.
Natannggap na ng senado ang kopya ng Proclamation 216 o ang Declaration of Martial Law in the whole of Mindanao at and Suspension of Privilege of Writ of Habeas Corpus.