Pinahinto ng pulis ang isang sasakyan sa China na nakitang tumatakbo ang mabagal at pagewang-gewang sa daan. Nagulat ang pulis nang mabuksan ang sasakyan at makitang ito ay may sakay na 40 construction workers samantalang anim na katao lamang ang kapasidad ng nasabing sasakyan.
Sinabi ng pulis na ang naturang sasakyan ay nakadisenyo lamang umano para magsakay ng anim na pasahero ngunit tinanggal ang mga upuan at nagsiksikan ang 39 na lalaki at isang babaeng manggagawa rin sa konstruksiyon, na nakasuot pa ng mga helmet.
Patungo umano ang naturang sasakyan sa isang construction site sa ibang lugar ng lunsod, ayon sa pulis ngunit dahil sa overloading ay tinikitan ang drayber at kinumpiska ang sasakyan.