PINAS

Red alert itinaas sa Alaska bunsod ng volcanic erruption

Itinaas  ng Alaska Volcano  Observatory sa red alert  ang naging pagbuga ng usok ng Alaskan volcano.

Paliwanag ng mga otoridad kakaibang lightning at pagtaas ng seismic signal ang naging dahilan para itaas nila sa pinakamataas na level ng alerto ang kalagayan ng bulkan.

Naganap ang pagbuga sa Bogoslof Island ng Alaska, at umabot mula sa 35,000 feet hanngang 45,000 feet ang naganap na erruption.

Tumagal naman ng 50 minuto ang pagbuga ng usok ng Bogoslof Volcano.