Nagdiwang ng ika- 70th year anniversary ang Philippine Red Cross–Pangasinan Chapter, isa sa labinlimang provincial chapter ng Red Cross na unang itinatag noong 1947.
Ayon kay Raymund Prodon Lim, blood donor recruitment officer ng PRC-Pangasinan chapter, sinimulan ang aktibidad ganap na alas 7:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali kahapon sa Narciso Sports Complex sa bayan ng Lingayen.
Sinabi naman ni Lim na sa naturang aktibidad, pitong libo katao mula sa iba’t ibang unibersidad sa lalawigan ang nagsama-sama para makiisa sa “I am for Humanitary @70” o ang human cross formation.
Maliban dito, nagkaroon din ng booth para sa iba’t ibang serbisyo ng Red Cross kabilang na ang free blood typing, free lecture demonstration on fist aid and basic life support, hygiene promotion session at iba pa.