PINAS

Sagupaan ng sundalo at NPA sa Cotabato, 4 patay

Patay ang apat katao kabilang ang isang sundalo matapos ang mainit na bakbakan ng tropa ng militar at ng rebeldeng New People’s Army (NPA) nang magka-engkwentro sa Brgy Licoan, Sumilao Bukidnon kahapon.

Ayon kay 403rd IB civil military operations head Capt. Norman Tagros, nasa 20 rebelde  ang naka-engkwentro ng kanyang mga tauhan sa ilalim ng 1st Special Forces Batallion.

Dagdag pa ni Tagros, isa ang namatay sa kanyang hanay na kinilalang si Cpl Judy De Leon, ng Cagayan Valley habang ang tatlong rebelde ay hinihinalang inilibing na ng kanilang kasamahan sa masukal na lugar.

Patuloy pa rin ang pagtugis ng militar sa mga rebeldeng nakatakas at nagpapatuloy ang ginagawang clearing operations.