Nagpatupad ng pagtataas ng minimum allowable wage (MAW) at food allowance ang pamahalaan ng Hong Kong para sa mga dayuhang household service workers (HSWs), kabilang na ang mga Pilipino. Inihayag ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, na makikinabang sa
hakbang na ito ang mga kababayan nating HSWs sa Hong Kong na lumagda sa kanilang employment contract bago o pagkatapos ng Oktubre 1, 2015.
Binanggit ni Baldoz ang ulat ng Philippine Overseas Labor Offi ce (POLO) sa Hong Kong na ipinatutupad na ang bagong allowance increase na hindi bababa sa HK$4,210 (P25,049.50) samantalang ang food allowance ay hindi bababa sa HK$995.00 (P5,930.00) kada-buwan.
Ang pagtaas ay kumakatawan sa 2.4% mula sa dating $4,110 allowance kadabuwan. “The existing MAW of HK$4,110.00 and food allowance of HK$964.00 will still be accepted, provided that the contract are signed on or before 30 September 2015 and processed by
the Philippine Consulate on or before 19 October 2015,” ayon sa ulat ng POLO.
Sa ilalim ng Standard Employment Contract para sa pagtanggap ng mga dayuhang HSW, ang mga Hong Kong employer ay kinakailangang magbigay ng libreng pagkain sa mga dayuhang HSW.
Maaaring piliin ng mga employer na magba yad na lang ng food allowance kapalit ng pagkakaloob ng libreng pagkain sa empleyado.
Kung pipiliin ng employer na magbayad ng food allowance sa dayuhang HSW, ang allowance ay dadagdagan ng $31 o 3.2% mula sa hindi kukulangin sa $964, na hindi mas mababa sa $995 kadabuwan.