Muling umarangkada ang pagdinig ng Senate Committee on Public Services sa mga isyung may kaugnayan sa MRT-3.
Nilinaw naman ng chairman ng komite na si senador Grace Poe na hindi para maghiganti ang kanyang ginagawang imbestigasyon.
Inaasahang haharap sa pagdinig si Marlo Dela Cruz, incorporator ng PH-Trams na binigyan ng maintenance contract ni noo’y transportation secretary Jun Abaya.
Bukod kay Dela Cruz, pina-subpoena rin ang record ng mga sumunod na MRT maintenance contracts.