Bitbit ang search warrant sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency -Intelligence Investigation Service (PDEA-IIS), ang isang warehouse sa Caroline St., Quirino Highway Baesa, Quezon City
Ang target ay isang nagngangalang Kwok Kuen Yu, isang Hongkong national na siyang nagmamay-ari ng naturang warehouse na naglalaman ng mga shabu laboratory equipment.
Ayon kay Jill Salamanca, PDEA-IIS team leader, taong 2013 pa nila sinusubaybayan ang naturang suspek na naging mailap sa batas.
Sa pamamagitan ng isang positibong impormasyon agad nilang inihain ang warrant of arrest mula kaya Quezon City Regional Trial Court Executive Judge Ceciline Villavert.