PINAS

Sovereign rights at hindi teritoryo ng Pilipinas

Noong 2012, kinumpirma ng United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf (UNCLCS) ang Benham Rise bilang bahagi ng Philippines’ continental shelf. Sa ilalim ng UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang continental shelf ay binubuo ng seabed at subsoil, kung saan ang mahabang landas na ito ang nagsisilbing daan ng mga submarino ng bawat bansa kaya ang continental shelf ay pag-aari ng sangkatauhan, bagama’t may matuwid na pag-angkin ang Pilipinas sa mismong kalupaan ng Benham Rise.

May paglilinaw ukol dito si Supreme Court  (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio, na mahalagang mabatid ng ating mga kababayan na ang Pilipinas ay may ‘sovereign rights’ sa malawak na Benham Rise subalit wala naman aniyang sovereignty ang ating bansa sa lugar na ito, bagay na hindi masyadong maunawaan ng ating mga kababayan.

Tanging ang mga eksperto lamang tulad ni Mahistrado Carpio ang higit na nakababatid sa kalagayan ng Benham Rise o Philippine Rise, para sa Pilipinas at sa mga mamamayan ng bansa.