PINAS

Suarez, suportado ang planong impeachment vs Morales

Suportado ni House Minority Leader Danilo Suarez ang planong pagpapa-impeach kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Sa pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni Suarez na selective justice umano ang pinaiiral ni Morales sa mga hinahawakang kaso ng Ombudsman.

Nilapitan na rin daw umano siya ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na nagsusulong ng impeachment laban kay Morales.

Samantala, tiniyak naman ni Suarez na hindi susuportahan ng minority bloc ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang nasabing impeachment complaint laban kay Duterte ay nai-refer na sa house justice committee na siyang tutukoy kung sufficient in form and substance ang kaso.