Hinatulang ng 9 na taong pagkakakulong ang isang pasahero matapos itong magtapon ng upos ng sigarilyo sa loob ng eroplano sa England.
Mula sa apat ay tinaas sa 9 na taon at anim na buwang pagkakulong ang parusa sa isang pasahero na umamin sa kasong arson sa loob ng eroplano noong 2015.
Si Jhon Cox, 46 ng Coates Road, Kidderminser ay umamin na nakainom at nagtapon ng upos nang sigarilyo na siyang naging sanhi ng blaze sa loob ng banyo ng eroplano.
Agad namang naapula ang apoy sa loob ng trashbin at wala namang napahamak.
Ngunit ayon sa kapitan ng eroplano, ang maliit na insidente at kapabayaan ni Cox ay magdudulot sana ng panganib sa buhay ng lahat ng pasahero kung hindi agad naipula ang apoy.
Ang nasabing eroplano ay may flight mula Birmingham papuntang Sharm El Sheikh at may sakay na 200 katao.