Ikaw ba ay isang breast cancer survivor? O mayroon kang kakilala o kamag-anak na survivor ng sakit na ito? Mayroon ka ba o silang nararanasang kahirapan sa pagtulog? Huwag nang mangamba dahil may solusyon para riyan.
Pamilyar ba kayo sa tai-chi? Ito ay isang traditional Chinese exercise, na kung saan ay naka-focus ito sa postura, paghinga at meditation. Nakatutulong din itong maalis ang ‘insomnia’ o ang hirap sa pagtulog ng breast cancer survivors, ayon sa pag-aaral na ginawa sa University of California.
Para sa patuloy na pag-aaral para rito, kumuha sila ng 90 breast cancer survivors na may edad 42 hanggang 83, na kung saan lahat sila ay nakararanas ng insomnia, depression at fatigue. Ang kakulangan sa pagtulog ay maaaring maging dahilan ng pagtaas ng risk ng pagkakaroon ng sakit ng tao.
Random na inilagay sa weekly tai- chi session ang ilan sa participants at ang iba naman ay sa weekly cognitive behavioral therapy (CBT) sessions. Ang CBT ay isang treatment, kung saan ay inaalam, inaanalisa at binabago ang negative thoughts na nakaaapekto sa tulog ng tao.
Ang klase ay tumagal nang tatlong buwan, matapos ito ay nagkaroon naman ng 12 months ng evaluation. Napag-alamang ang tai-chi ay kasing-epektibo lang ng CBT – ang itinuturing na ‘gold standard’ treatment.
Ayon kay Dr. Michael Irwin, ang lead author ng pag-aaral na ito, bagama’t ang CBT ang pinakamahusay na panggamot sa insomnia ay mahal naman ito. Hindi ito kayang bayaran ng nakararami, hindi tulad ng tai-chi na low-cost o minsan pa nga ay libre lang. Maaari mo itong gawin sa bahay dahil may mga video ito sa YouTube, Facebook at maging sa mga library; may tai-chi lessons din sa park na puwede mong salihan.
Hindi mo naman kasi kailangang magbayad nang malaki para masolusyonan ang iyong problema sa pagtulog. Kung pati pambayad mo, poproblemahin mo, baka lalo ka lang di-makatulog. Kung hindi kaya ng badyet, huwag nang ipagpilitan, mahihirapan ka lang