Talamak at isa umanong mapanganib at dehado para sa mga Pilipino ayon sa mga overseas Filipino workers (OFWs) ang talamak na bentahan ng household service workers (HSW) sa Saudi Arabia bago ang 100-day probation period.
Ayon sa mga OFWs nililipat umano ang mga Pinay HSWs sa iba’t ibang employer ng sponsor o ng isang nasyonal na may kontrol ng working permit o “iqarma,” kungsaan ang mga naturang manggagawa ay walang kontrol kung saan ang mga ito ibebenta o ililipat.
Sinabi ng mga OFWS na kailangang may pahintulot ang Philippine Overseas Labor Office sa paglipat ng Filipina HSWs upang mamonitor ang kanilang kinaroroonan at dapat na responsibilidad din ng foreign recruitment agency na ipadala ang HSW sa orihinal na sponsor.