PINAS

Threat level sa London, itinaas sa ‘critical’ 

Mula sa ‘severe’ ay itinaas na ng United Kingdom sa ‘critical’ ang threat level sa London matapos ang pagsabog sa concert ni Ariana Grande sa Manchester.

Ayon kay British Prime Minister Theresa May, mas pinaigting na ng armed forces ang seguridad sa lugar at posibleng magdeploy na ng military personnel sa mga public event gaya ng concerts at sports events.

Napagkasunduan aniya ng independent body na itaas ang threat level sa ‘critical’ matapos magpasabog ng isang improvised bomb ang suspek na nakilalang si Salman Abedi sa concert ng American pop singer.

Sinabi ni may na itinaas ang threat level sa ‘critical’ para maiwasan o mapigilan ang posibleng kaparehong pag-atake na isasagawa ng teroristang grupo.

Kahapon ay binulabog ng pagsabog ang concert ni Ariana Grande kung saan dalawampu’t dalawa katao ang nasawi habang animnapu naman ang sugatan.

Inako na ng ISIS ang nasabing pagpapasabog