Kung hindi umano maia-apply ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang batas pangkaragatan sa South China Sea o West Philippine Sea (WPS), kung saan ay nakapagitna ang usapin hinggil sa mga isla, bahura, batuhan at buhanginang inaangkin
ng mga bansang tulad ng Pilipinas, Malaysia, Vietnam, Brunei, Taiwan at China ay walang kabuluhan ang batas ng UNCLOS hinggil sa exclusive economic zones (EEZ), ayon kay Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio.
Inihayag ito ni Carpio sa isang lektura tungkol sa ninedash line claim ng China na sumasakop sa 80% ng South China Sea, na isinagawa sa Center for Strategic and International Studies (CSIS) sa Washington, kamakailan. Ayon pa kay Carpio, wala aniyang basehan
ang ninedash line claim ng China dahil kulang umano ito sa historical basis, taliwas sa proklamasyon ng Beijing. Kapag sinunod aniya ang nine-dash line ng China, bukod sa Pilipinas ay mawawala rin ang 80% EEZ ng Malaysia, partikular sa Sabah at Sarawak
na nasa harapan ng South China Sea, kabilang na ang active oil fi elds sa parehong lugar.
Kasama sa nasabing mapa ang EEZ ng bawat bansang umaangkin sa kanilang mga bahagi sa Spratly Islands. Matatandaang naghain ng reklamo ang Pilipinas sa UNCLOS kaya hinihintay pa ang ruling ng arbitral tribunal kung pabor ito sa bansa o hindi.
May babala rin si Carpio na oras na hindi pairalin sa WPS ang batas-pangkaragatan ng UNCLOS o prinsipyo ng international law ay malamang na maghari sa nasabing karagatan ang batas ng kanyon, kung saan ang mga bansang mahina ang puwersang militar ang siyang
tatapakan ng dambuhalang nasyon.
Kung mangyayari ito, baka wala nang mangingisdang Pilipino ang papalaot sa WPS dahil sa takot na ratratin o itaboy ng mga barkong pandigma ng China, na inaasahang magpapatrulya sa nasabing karagatan kapag nai-apply na nila ang ninedash line sa WPS.