PINAS

Unggoy na mataba sa Thailand sasailalim sa mahigpit na diyeta

Ilalagay sa isang mahigpit na pagdidiyeta ang isang matabang unggoy sa Thailand, na may timbang na 57 lbs at may malaking tiyan bago ito pakawalan sa kagubatan.

Ibinahagi ng Department of National Parks and Wildlife Preservation sa kanilang Facebook page ang larawan ng macaque na tinaguriang si “Uncle Fatty” matapos itong sumailalim sa pagsisiyasat sa kalusugan. Napag-alamang hindi tumor ang dahilan ng paglaki ng tiyan nito.

Masyado lamang umanong mataba ang naturang unggoy dahil sa pagpapakain ng mga junk food at soft drinks mula sa mga lokal na residente.