Si Jose Marie Viceral a.k.a. Vice Ganda ay unang nakilala bilang stand-up comedian.Napanonood siya sa Punchline at Laffline, kung saan siya nadiskubre ng ilang showbiz personalities. Among the stand-up comedians ay si Vice ang medaling makakuha ng atensiyon ng mgamanonood. Madali kasi siyang makapag-isip ng mga ibabatong jokes sa kanyang kapwa-standup comedian. Maging ang kanyang mga kasamahan sa comedy bar ay hangang-hanga sa kanya.
Madaling na-penetrate ni Vice ang industriya at siya ay tinaguriang“unkabogable” star dahil kinabog niya ang ibang sikat na artista nang mag-umpisa na siyang magkaroon ng break sa showbiz. Malaki ang pasasalamat ni Vice sa mga press people na nakatulong sa kanyang career, kaya naman kapag siya ay may free time ay nakikipagtsikahan siya sa mga ito.
Kamakailan ay nagkaroon ulit ng “Chikahan Night With Vice Ganda”ang entertainment press at dito ay kung ‘anu-ano’ lang ang napag-usapan, mula sa pulitika, showbiz at personal na buhay ng isa sa hosts ng noontime show na“It’s Showtime.”Natanong si Vice tungkol sa kontrobersiyal na paghaharap nina Senator Tito Sotto at kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo sa Commission on Appointments (CA) hearing at hindi napigilan ng comedian-host na ipagtanggol ang mga single parent. Ayon kay Vice, isang single parent din ang kanyang ina dahil 12 years old lang siya nang mapatay ang kanyang ama. Simula noon ay solo silang binuhay na magkakapatid ng kanilang ina kaya ipinagmamalaki niya ito.
Kris Aquino tatapatan ni Vice
Lately ay pilit ginagawan ng intriga ng ilang bashers ang magkaibigang Vice at Kris Aquino. Maagap naman itong sinalag ng una sa pagsasabing okey pa rin ang kanilang samahan. Welcome rin sa kanya sakali mang pagtapatin sila ng programa ni Kris, na nasa kalabang network na.
“Mas mainam na ‘yung kami ang magkatapatan kasi kung hindi siya, may iba rin namang itatapat ang kabilang istasyon. Kung kami ni Kris, okey lang kasi at least parehong may trabaho, ‘di ba?”
Tahasan pang sinabi ni Vice na walang kompetisyon sa kanila ng Queen of All Media. “Marami akong natutunan kay Kris bilang host,” ani Vice. “Pero iba ang atake ko sa ‘It’s Showtime’ at iba rin naman sa ‘Gandang Gabi, Vice.’ Magkaiba kasi ang programa, eh,” dagdag niya.
Napapagod nang mag-host
Aminado si Vice na ipinatatawag siya ng management kapag may kapalpakang nagawa sa“It’s Showtime.”
“Mas gusto ko naman‘yung pinatatawag nila ako. Pinagagalitan.”
Gayunman minsan ay napapagod din umano siya.
“Nakapapagod na rin naman kung minsan, kaya ang gagawin ko magpapahinga muna ako. Kasi ayaw ko naming magtrabaho nawala sa mood. Mahirap, eh, hindi gumagana ang kaisipan mo. Aba, mahirap din naman yata ang maging robot. Kaya ginagawa ko, stop panandali. Maglilibang-libang.
“Pero hindi nako ‘yung tulad ng dati na mahilig sa night life. Gagawin ko sa house lang magbubukas ng FB (Facebook) at makikipag-chat sa social media. Nag-e-FB live ako. Nakaaaliw naman. Kausap mo ang mga hindi mo kilalang tao. Pero naaaliw raw sila, lalo na kapag kumakanta ako na parang wala lang (sabay tawa). Saka okey rin pala ‘yung paminsan-minsan, nakikipag-chat ka sa kanila. Nakaaalis ng stress,” mahabang kuwento ni Vice.
Hindi nakalilimot sa pinagmulan
Sa tagumpay na tinatamasa ni Vice ngayon hindi ay niya na kalilimutan kung saan siya nagmula. Marami siyang natulungan na mga dating kasamahan sa comedy bar na nag-aartista na rin ngayon. Kaya naman wala na raw siyang mahihiling pa sa Itaas dahil lampas na raw sa quota ang kanyang natatanggap at ipinagpapasalamat niya ito nang lubos.
“Masasabi kong isa ako sa masuwerteng tao na biniyayaan ni Lord nang sobra-sobra. Thank you Lord.”
Sa rami ng mga natulungan at patuloy na tinutulungan ni Vice, may mga nagtatanong kung may balak ba siyang pasukin ang pulitika?
“Naku, as of this moment hindi pumapasok sa isip ko ang pulitika. Hindi pa sa ngayon,” ani Vice na base sa nagiging sagot ay nagbabalak ding pumalaot s pulitika sa malapit na hinaharap.
Pelikula with Pia Wurtzbach
Samantala, kinumpirmani Vice na may gagawin siyang pelikula with 2015 Ms. Universe Pia Wurtzbach. Wala pang ibinigay na title si Vice pero ayon sa kanya, creative consultant din siya sa naturang project. Gayunman, wala raw siyang extra pay rito.
“Hindi ko pinababayaran‘yon, eh, ‘yung my being part of the creative. Kasi I feel it’s my obligation kasi it’s my movie, na kailangan‘yung inputs konandodoon,” paliwanag ni Vice. “Kasi everything has to be ‘vicified.’ Kasi alam nila dapat may certain Vice Ganda brand. Kasi pag hindi, ‘Ay hindi ito Vice Ganda.’ Baka hindi nila magustuhan.
“Gustung-gusto ko rin naman‘yung ganu’n, nanire-require nila ako na kailangan hands-on. Ang wordings kailangan sa akin nanggagaling. Nasanay na rin sila na nakikialam ako, eh.
‘Pag hindi ako nakialam nagtataka sila na ‘Uy, ba’thindikumikilos?’ Naba-bother sila kaya anorinako, very passionate talagaakokapagnagtatrabaho.”
Siniguradorinni Vice naaalagaanniyasi Pia.“Hindi ko naman pababayaan ‘yang si Pia, we are friends actually. Kahit si Jonas (Gaffud, manager ni Pia), friends kami. Hindi ko pababayaan si Pia, mahal ko ‘yon, ‘no. I will take good care of her.”
Hindi pa sure ni Vice kung para sa 2017 Metro Manila Film Festival angpelikulanilani Pia. “Basta before the year ends. Puwedeng filmfest, puwede rin namang before filmfest, but definitely, bago matapos ang taon ay may mapanonood kayong movie,” sabi pa ni Vice.
May balitang makasasama rin sa naturang movie nina Vice at Pia si Daniel Padilla. Pero malaking question mark pa ito dahil magsisimula nang umere ang fantaserye nina Daniel at Kathryn Bernardo na“La Luna Sangre,” kaya tiyak na magiging busy naang actor sa mga darating na buwan.