PINAS

Vice Ganda, nakipag-selfie kay Alden Richards

Sa isang pambihirang pagkakataon, nagsama sa iisang larawan ang komedyanteng si Vice Ganda at ang “Pambansang Bae” na si Alden Richards.

Sa Instagram post ni Vice, masaya niyang ibinahagi ang kanilang selfie ni Alden.

Sa caption ni Vice, hindi niya naitago ang paghanga kay Alden, kung saan ay sinabi niyang guwapo ang aktor.

Nakipag-selfie si Vice kay Alden matapos magkita sa isang award show, kung saan ay nakuha ni Vice ang “Phenomenal Star Award” para sa pelikula niyang “The Super Parental Guardians.”

Samantala, nanalo naman si Alden bilang “Prince of Philippine Movies” para sa pelikula niyang “Imagine You And Me” at Male “Recording Artist of The Year” award.