Nanindigan ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach na totoo ang lahat ng kwento partikular na ang nagkalamat na relasyon nila ng yumaong amang si Uwe Wurtzbach, sa episode ng maalaala mo kaya noong Sabado, June 3.
Giniit ngkampo ng beauty queen na totoo ang lahat ng eksena kung saan sinubukan ng ama nito na manghingi ng pera nang manalo ang dalaga bilang 1st runner-up sa Binibining Pilipinas 2013.
Noong nabubuhay pa raw ang ama ay hiniling nitong gastusan ni Pia ang pag-aaral half-brother na si Alexander Wurtzbach.
Pero contrast sa reklamo ni Robie Asingua, live-in partner ni Uwe, sinabi nito sa social media na hindi raw kailanman humingi ng pera ang ama mula kay pia.
Maging ang half-brother ni Pia na si Alexander Wurtzbach ay inalmahan ang diumano’y paninira ng beauty queen sa kanilang yumaong ama.