PINAS

Air strike tragedy in Marawi City

Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa isang press briefing sa Malacañang na kasalukuyan nang iniimbestigahan ang naganap na trahedya ng air strike sa Marawi City na kung saan sampung sundalo ang namatay. Posibleng nagkaroon umano ng hindi maayos na koordinasyon kung kaya mismong ang mga sundalo ng pamahalaan ang natamaan nito.