Naaresto ang apat na miyembro ng Pamilya Maute sa isang checkpoint sa Barangay Sirawan Toril sa Davao City.
Kasama sa mga nadakip ay ang ama ng Maute brothers na una nang umatake sa Marawi City na si Cayamora Maute.
Kabilang sa nadakip ang driver ng van na si Aljun Salazar Ismael, anak ni Cayamora na si Norjannah Balawag Maute, ang 3rd wife ni Cayamora na si Kongan Alfonse Balawag.
Narekober din sa grupo ang umaabot sa P363,000 halaga ng pera.
Naharang ang mga ito ng pinagsanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at ng Task Force Davao samantalang sakay ang mga ito ng itim na Toyota Grandia na may plate number na MES219, na patungo sana sa Tagum City sa Davao del Norte.