PINAS

Ama ng Maute brothers arestado sa checkpoint sa Davao City

Naaresto ang apat na miyembro ng Pamilya Maute sa isang checkpoint sa Barangay Sirawan Toril sa Davao City.

Kasama sa mga nadakip ay ang ama  ng  Maute  brothers  na una nang umatake sa Marawi City na si  Cayamora Maute.

Kabilang sa nadakip ang driver ng van  na  si  Aljun  Salazar  Ismael, anak ni Cayamora na si Norjannah Balawag Maute, ang 3rd wife ni Cayamora na si Kongan Alfonse Balawag.

Narekober din sa grupo ang umaabot sa P363,000 halaga ng pera.

Naharang ang mga ito ng pinagsanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at ng Task  Force   Davao samantalang sakay ang mga ito ng itim na Toyota Grandia na may plate number na MES219, na patungo sana sa Tagum  City sa Davao  del  Norte.