Tingnan ninyo ako, saanman ako pumunta, nangyayari ang pagbabago sa lugar kung saan ako ay nagpunta – wala nang karukhaan; ito’y maging isang pirasong langit sa lupa. Ito ay mahirap na mangyari maliban lang kung kayo ay sumusunod sa kalooban ng Ama.
PAGTATAYO PARA SA KATUWIRAN
Ngayon, ang tunay na mundo ay ang mga tao mismo. Ginagawang tahanan ng mga serpente ang loob nila – mga serpente ng pagkamuhi, mga serpente ng kapaitan – at pinugutan ko ng mga ulo lahat ng iyon.
Ngayon, ang bunga na ng espiritu ang nananahan sa kanila – pag-ibig, kapayapaan, kasiyahan, kabutihan, kabaitan, kaamuan.
“…At huwag kang magkubli sa iyong kapwa-tao.”
Magkapareho tayo ng laman, kayo ang aking rasa. Bawat tao ay kabilang sa aking rasa, ito ay tinatawag na human race. Maging ito man ay Amerikano, Pilipino, ang aking ninanais para sa kanila ay pareho saanman ako pumunta. Ang aking ninanais ay ang tunay na pagnanais na makatulong, mailunsad ang katuwiran ng Panginoon, ibangon ang kaluluwa ng bawat tao.
Ngunit itong mga mapagkunwari, kanila lamang ginagamit ang mga indigenous people (IP) ngunit wala naman silang ginagawa para sa mga ito. Kung talagang mahal ninyo ang indigenous people, pakainin ninyo ang mga iyan, pag-aralin, bigyan ng disenteng hanapbuhay at ibalik ang dignidad ng mga iyan upang hindi nila maramdaman na sila ay Bagobo at maramdaman nilang sila ay mga tao. Ituro rin sa kanila na huwag mandaya sa ibang tao upang kumita.
Sinabi ko sa IPs, “Huwag mandaya ng tao para sa pera. Huwag magbenta ng inyong lupain nang limang beses sa iba’t ibang tao, kaya may limang nagmamay-aring naglalaban-laban sa bawa’t lupain. Iyan ay pandaraya. Huwag ninyong gawin ‘yan dahil hindi uunlad ang inyong buhay. Hindi matutuwa ang Ama sa ganyan. Kapag nais ninyo ng lupain, bibigyan ko kayo ng lupain ngunit huwag ninyong ibenta sa isang tao at pagkatapos ido-double-cross ninyo siya dahil habol lamang ninyo ang pera. At kapag pinaharap kayo dahil sa inyong ginawa, sasabihin ninyong, “Mga katutubo lamang kami, kaya inaapi nila kami!”’
Pagkatapos ang mga walang panginoon ay papasok, “Ipaglalaban namin kayo. Iwan ninyo na ‘yan sa amin!”
Hindi ninyo ako maloloko. Tatayo ako para sa katotohanan at itatama ko ang bawat mali. Tuturuan ko ang mga tao na tumayo para sa anumang tama dahil kapag kayo ay nananahan sa katotohanan at sa katuwiran, diyan ninyo mababawi ang inyong dignidad.
WALANG SINUMANG MAKAPAGPAPATAHIMIK SA AKIN
“Kung magkagayo’y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo; ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging inyong bantay-likod.”
Ito ba ay nangyayari sa akin? Ito ay nangyari sa akin. Iyan ang katuparan ng aking buhay – ang buhay na makatuwiran.
“Sisikat ang iyong liwanag na parang umaga…”
Ilan sa mga tao ang nais akong patahimikin – mula sa TV at hanggang sa radyo. Ayaw nilang makinig sa aking salita ngunit ang anghel ng Panginoon ay lumapit sa akin at nagsabi, “Lahat ng debate ay hihinto. Ikaw lamang ang mananatili!” Tingnan ang aking telecast – ito ay naka-broadcast 24-oras sa bawat araw, 7 araw sa isang linggo at 365 araw sa isang taon. Ako ay nangangaral, ako ay nagtuturo – ang aking boses ay napakikinggan sa buong mundo.
MGA PANGAKO NG MABUTING KALUSUGAN
“…At ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw.”
Una sa lahat ay ang espirituwal na kalusugan.
Ako ang pinakamalusog na tao sa espiritu dahil ako ang Hinirang na Anak ng Panginoon. Kaya ang aking kalusugan ay naibahagi kong lahat sa inyo.
Pangalawa, ang pisikal na kalusugan. Siguro, mayroon akong depekto sa aking pisikal na kalusugan ngunit itong pisikal na mga problema ay hindi nananatili sa aking katawan nang matagal dahil ang katawang ito ay nakalaan sa Kanya.
Malusog ba kayo sa pisikal? Kung hindi, kailangan ninyong maging malusog dahil ang mabuting kalusugan ay isa sa mga pangako ng Ama kapag kayo ay makatuwiran. Tatanggalin ng Ama ang lahat ng mga sakit sa katawan sa Kaharian. At hindi ito isang gimik ng kagalingan, kung saan ang maysakit ay magsasabi, “Oooh… aaah… gumaling na ako!”
Iyan ay panlalansi. Gumaling ako nang walang gimik. Ako ay isang taong kagaya ninyo. Ako rin ay nagkakasakit ngunit nakapaglalaro pa ako ng basketball. Nakapaglalaro ako ng apat na quarter na walang hinto. Ilan sa mga young people na naglaro kasama ko, ang kanilang mga dila ay nagsimulang lumawit pagkatapos lamang ng isang quarter.
Nais ng Ama na bawat mamamayan sa Kaharian ay maging malusog.
BABALA LABAN SA PAGKAGUMON SA PAGKAIN
Pakinggan ang maliit na kaalamang ito: Kumain tayo ng pagkain upang maging malusog at upang magbigay sa atin ng enerhiya para sa paggawa natin ng ating mga gawain sa araw-araw. Ito ang layunin ng pagkain. Kapag ang pagkaing inyong kinain ay hindi nakapagbibigay sa inyo ng magandang kalusugan ngunit patuloy ninyo itong kinain, iyan ay bisyo, kagaya ng shabu. Dahil kapag patuloy ninyong kinain ang pagkaing hindi nakapagbibigay sa inyo ng mabuting kalusugan, ang pagkaing iyan ay magbibigay sa inyo ng sakit at sa huli ay papatay sa inyo. Hindi kayo drug addict ngunit kayo ay food addict.
Mga mamamayan ng Kaharian, huwag maging food addicts. Piliin lamang ang mga pagkaing makapagbibigay ng mabuting kalusugan. Huwag sirain ang templo ng Panginoon. Ang ating katawan ay templo ng Espiritu ng Ama.
1 Mga Taga-Corinto 3:16-17; “Hindi baga ninyo nalalaman na kayo’y templo ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa inyo?”
Makakain ko ang lahat ng klase ng pagkain. Makakain ko ang lahat ngunit ang lahat ng iyon ay hindi nakabubuti, kaya pinili ko lamang ang mga bagay na nakabubuti.
Marami sa inyo ay pumili ng maling pagpili ng pagkain. Ano ang nagparamdam sa inyo upang piliin ito? Ito ba ay ang inyong utak o ang inyong dila? Ah, ang inyong dila ang nagdikta sa inyong utak. Sinabi ng inyong utak, “Hindi ‘yan nakabubuti,” ang iyong dila ay nagsasabi, “Hindi, ito ay nakabubuti.”
Ano ang matatawag ninyo sa isang karneng baboy na kumukulo sa sarili nitong taba? Ito ay tinawag na 911 dahil katatapos lamang ninyong kumain nito, mai-stroke kayo, kaya diretso kayo sa 911. Kapag sinabi ng isang tao, “Huwag ‘yan kainin!” sasagutin ninyo, “Kung mamamatay, eh ‘di mamatay! Gusto ko ‘tong kainin!” Kayo ay mga food addict kapag kagaya kayo niyan.
Ang food addiction ay mas malala pa kaysa sa drug addiction. Aabot ng sampung taon bago ang droga’y papatay sa inyo ngunit ang taba ng karneng baboy ay isang taon lamang! Ito ay isang biblikal.#