NI: MELODY NUNEZ
Isang ligaw na ahas na galit na galit matapos na pagbabatuhin ng isang babae ng sapatos ang natagpuan ni Lancaster Sgt. Tommy Trotter sa ibabaw ng higaan ng naturang babae sa Nebraska.
Ibinahagi ng opisina ng Lancaster County Sheriff ang mga larawan matapos na matanggal ang ahas sa higaan.
Saad ni Trotter, dumepensa lamang umano ang ahas kaya ito sumingasing sa babae ngunit hindi naman ito mapanganib dahil isa itong non-venomous snake, na kadalasan ay pumapasok sa mga bukas na pintuan ng mga kabahayan sa lugar.