Dalawang linggong ipagpapaliban ang pagbubukas ng klase sa walong barangay sa Lanao Del Sur at Iligan City.
Ayon kay Education secretary Leonor Briones, base ito sa rekomendasyon ng mga otoridad sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Apat na barangay sa Lanao Del Sur at apat sa Iligan City ang hindi makakasabay sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo a-singko.
Ani briones, dahil na rin ito sa pangambang magkaroon ng spillover sa nagpapatuloy na bakbakan ng militar at ng Maute group.
Tumanggi naman si Briones na pangalan ang nasabing mga barangay.
Una nang inanunsyo ng DepEd ang pagpapaliban ng pagbubukas ng klase sa Marawi.