Muling binuhay ng Court of Apeals o CA ang binasurang kaso ng TV network na ABS-CBN laban kay gameshow host Willie Revillame.
Base sa 23 pahinang desisyon ng 7th division ng CA na inilabas noon May 30, nagkamali daw ang Quezon City Regional Trial Court sa pag-dismiss ng P2.2-billion civil case na isinampa ng kapamilya network laban sa tv host.
Giit ng SC hindi maaring ibasura ang kaso dahil may nakabinbin pang apela ang ABS-CBN sa Supreme Court .
Noong 2010 ng nagsampa si Willie ng P11-million damage suit laban sa ABS-CBN sa pagnanais na tuluyan nang tapusin ang kanyang kontrata.
Nag-kontra demanda naman ang naturang tv network laban sa kanya at naghain ng P2.2-billion damage suit nila sa Wowowin host.