PINAS

Diplomatic crisis sa Gulf state, magpapatuloy kung patuloy na susuportahan ng Qatar ang Palestinian group

Pinas News

Sa  Saudi Arabia…

Nagbabala si Prime Minister Adel Al-Jubeir  sa bansang Qatar na magpapatuloy ang diplomatic crisis kung hindi nito tatapusin ang pagsuporta sa Palestinian group na Hamas at sa mga kapatiran nitong Muslim.

Sinabi ni  Adel Al Jubeir na kailangang tuparin ng Qatar ang  pangakong ginawa nito noong mga nakaraang taon na hindi na  ito magkakanlong ng mga terorista at mangingialam sa affairs ng ibang bansa.

Dagdag pa ng  prime minister, hindi nila gustong saktan ang Qatar pero wala silang magagawa kung hindi ito magbabago ng direksyon.

Matatandaan na noong 2014 ng nagkaroon ng diplomatic crisis sa gulf state ng wini-draw ng Saudi ang mga ambassadors  nito sa Qatar.

Sinasabi namang bumalik lamang ang ugnayan ng Qatar at Saudi government nang pwersahang pinalabas ng Qatar ang mga Muslim group sa kanilang bansa.