PINAS

DOJ, naglabas ng lookout bulletin order vs 125 bandido

Naglabas ng lookout bulletin order ang Department of Justice laban sa mga miyembro ng Maute Group at Abu Sayyaf Group.

Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang Bureau of Immigration na arestuhin ang sinuman sa isang daan at dalawampu’t limang miyembro ng bandidong grupo na magtatangkang lumabas ng bansa.

Inilabas ni Aguirre ang kautusan matapos maglabas ng arrest order si Defense Secretary Delfin Lorenzana laban sa Maute,  abu Sayyaf at mga tagasuporta nito dahil sa rebelyon sa Marawi City.

Samantala, tukoy na National Bureau of Investigation ang siyamnapu’t lima sa isang daan at dalawampu’t limang miyembro ng bandidong grupo habang tatlumpu naman ang nakilala pa lamang sa kanilang mga alyas.