Handa nang humarap sa senado si ex-FBI Director na si James Comey, Jr. para tumestigo laban kay Donald Trump.
Ayon sa mga opisyales ng Amerika, kabilang sa mga isisiwalat ni Comey ay ang pangingialam ng russian government sa eleksiyon noong 2016.
At ang sapilitang pagpapatalksik sa kaniya ng pangulo matapos niyang tanggihan ang pakiusap nito na tigilan ang imbestigasyon sa national security advisor na si Michael Flynn sa isyu ng katiwalian.
Nakapag-usap na rin si Comey at special counsel Robert Mueller III para sa mga parameters ng kanyang testimonya.
Sa ngayon ay pinag-iisipan pa kung anong araw ngayong linggo haharap si Comey para pormal na tumestigo.
NI: MARGOT GONZALES – Pinas Global Newspaper