Pinahiya ng Golden State Warriors ang Cleveland Cavaliers sa homecourt nito sa game two ng NBA Finals.
Hawak na ng Warriors ang 2-0 lead matapos ‘di papormahin ang Cavs sa iskor na 132-113.
Magandang regalo ito kay Steve Kerr na muling nakapag-coach para sa Dubs matapos magpahinga mula sa kanyang back surgery.
Kapwa nakakuha ng triple-double performance sina Stephen Curry at Lebron James sa Game Two.
Nagpakawala ng 32 puntos, 11 assists at 10 rebounds si curry habang nag-ambag naman ng 33 puntos at 13 rebounds ang teammate nitong si Kevin Durant.
‘Di naman sumapat ang 29 points, 14 assists at 11 rebounds ni Lebron.
Ang game two win ng warriors ang ikalawang sunod na taong panalo ng Dubs sa unang dalawang laro sa finals.