PINAS

High-noon salute para sa mga nasawi sa Marawi clash, isasagawa 

Magsasagawa ng high-noon salute ang pamahalaan para sa mga bayani at inosenteng biktimang nasawi sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi.

Ngayong alas-dose ng tanghali ay ipa-flash sa telebisyon at iaanunsiyo sa radyo ang pangalan ng mga nasawing sundalo sa Marawi bilang pagpupugay sa kanilang kabayanihan.

Aalalahanin din ang mga biktimang sibilyan.

Nanawagan naman ang Malacañang sa publiko na makiisa sa pananalangin sa mga nabiktima ng Marawi clash at sa mga naulilang pamilya ng mga ito.