PINAS

Ibon nakisakay sa sasakyan

NI: MELODY NUNEZ

 

Kinuhanan ng video ng isang nagtatakang drayber sa Russia ang isang ibong dumapo sa kanyang windshield at nakisakay samantalang bumibiyahe sa Ufa Road, Hilagang bahagi ng Kazakhstan.

Ang ikinatuwa pa ng drayber, sumasabay ang ibon sa tugtog ng electronic dance music, kung saan ay itinatangu-tango nito ang ulo.

Ayon pa sa drayber, dahilan umano sa galaw ng sasakyan at hangin kaya tila nakikisabay ang ibon sa electronic dance music na pinatutugtog sa loob ng sasakyan.