PINAS

Israeli actress na si Gal Gadot, nagpasalamat sa mga fans sa tagumpay ng Wonder Woman

Pinasalamatan ni Gal Gadot ang kaniyang global fanbase sa huge success ng super hero film na Wonder Woman na kaniyang pinagbibidahan.

Sa isang video ay ipinaabot ng Israeli actress ang kaniyang pasasalamat sa mga fans at sinabing sila ang nasa likod ng malaking tagumpay ng super hero film.

Recently naman ay nagbiro ang aktress na maaring talunin ng kaniyang amazonian superheroine role si Thor na ginampanan ni Chris Hemsworth

kung magku-krus lang daw ang kanilang mundo.

Sa ngayon ay kumita na ang Wonder Woman ng 233 million sa apat na araw pa lamang na screening dito sa Plipinas..