NI: MELODY NUNEZ
Nagpakitang-gilas ang isang magaling na forklift operator sa Washington DC sa pamamagitan ng paggamit ng heavy equipment sa pagdampot sa isang sentimong barya sa lupa.
Ipinakita ni Sean McNally ang video ng kanyang kaibigang si Kurt, na ipinamamalas ang forklift trick nito samantalang nagtatrabaho sa JFK Center ng Performing Arts.
Ipinakita sa video ang pagmamaneho ni Kurt sa forklift sa ibabaw ng isang barya, kung saan ay nagawa nitong ibaligtad ang barya, na naging dahilan upang ito ay tumalsik din nang pabaligtad patungo sa metal beam.