Masayang ibinahagi ng singer na si Lea Salonga ang kanyang selfie picture kasama ang mga Hollywood star sa 71st Annual Tony Awards sa Radio City Music Hall sa New York.
Ito ay kasunod ng kanyang pangako sa sarili na magpapakuha ng larawan kasama ang kanyang mga hinahangaang celebrities.
Sa kanyang Twitter post, makikita ang mga larawan ni Lea kasama ang mga Hollywood actor na sina Mark Hamill, Lin-Manuel Miranda, Josh Gad, John Lithgow, Christopher Jackson, Oak Onaodowan, David Abeles at Justin Guarini.
May kuha rin ang Broadway star ng larawan ng kanyang upuan na may pangalan niya bilang isa sa presenters ng event.
Matatandaang si Lea ay ang pinakaunang babaeng taga-Asya na nanalo sa Tony Awards bilang ‘best actress in a musical’ para sa Miss Saigon noong 1991.