PINAS

LRT, MRT may libreng sakay ngayong Araw ng Kalayaan

May libreng sakay ang Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) ngayong araw bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-119 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Sa abiso ng MRT at LRT, magsisimula ang libreng sakay mula alas-siyete hanggang alas-nuwebe ng umaga at mula alas- singko ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi.

Ito ay para mabigyang- pagkakataon ang publiko na makalahok sa mga aktibidad para sa Araw ng Kalayaan na karamihan ay gaganapin sa Rizal Park.