PINAS

Mga mahuhuling nakikisimpatiya sa Qatar, 3-15 taong makukulong sa UAE

Sa UAE…

3 hanggang labing limang taong pagkakakulong ang magiging parusa sa sinuman na magpapakita ng awa at simpatiya sa social media para sa  bansang Qatar.

Maliban sa ilang taon sa kulungan, sinabi ng public prosecutors office na magbabayad din ng minimum fine na 500,000 dirhams o 136,000 dollars ang mga mahuhuli.

Ang anunsyong ito ay bahagi pa rin ng diplomatic crisis sa pagitan ng Qatar, UAE, Saudi Arabia, Bahrain at ng  lahat ng miyembro ng Gulf Cooperation Council matapos lumabas ang balita na nagkakanlong ng mga terosta at extremist group ang bansang Qatar.

Naniniwala kasi ang gulf state na ang ginawang ito ng Qatar ay maaring magdulot ng pinakamalaking external and internal threat sa kanila.