Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mass oath taking ng mga bagong itinalaga nito sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.
Ilan sa mga dumalo ay sina MMDA Chairman Danilo Lim, Special Envoy for International Public Relations Dante Ang, Special Envoy to the European Union Egdardo Angara at Special Envoy for APEC Jose De Venecia Jr.
Kasama din sa nanumpa si Assistant Secretary Marguax ‘Mocha’ Uson ng Presidential Communications Office.
Nanumpa din ang ilang sa mga bagong talagang opisyales ng pamahalaan sa mass oath taking sina Associate Justices Edgardo Caldona at Bayani Jacinto ng Sandiganbayan.
Kabilang din sa mga nanumpa ang iba’t ibang opisyal ng national league sa bansa tulad ng Vice Mayor’s League of the Philippines, Provincial Board Members League of the Philippines, National Movement of Young Legislators, League of Vice Governors of the Philippines at Lady Local Legislators League of the Philippines.
Umaasa naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bagong opisyales ng pamahalaan na maibibigay nila ang tamang serbisyo para sa publiko.
NI: HANNAH JANE U. SANCHO