Patay ang 90 katao samantalang 400 naman ang sugatan matapos sumabog ang isang suicide bomb sa Kabul, Afghanistan.
Ayon sa mga otoridad, sumabog ang bomba sa diplomatic area ng Kabul, malapit sa German Embassy, Afghan Presidential Palace, lugar kung saan dumaraan ang maraming commuters, mga namamasyal, mga pumapasok sa ekwelahana kaya naging mataas ang death toll ng pagsabog.
Sinasabi naman na nagmula ang bomba sa isang water delivery truck na nakalusot sa mga check point.
Una namang itinanggi ng mga Taliban na sila ang nasa likod ng pagsabog.
Sinasabing ang nangyaring pambobomba ay isa sa mga itinuring na deadliest attack sa bansa.
NI: MARGOT GONZALES – Pinas Global Newspaper