Isang eroplano ng China ang bumalik sa Sydney Airport matapos makitaan ng butas sa makina nito.
Patungong Shanghai, China ang Flight MU736 ng China Eastern Airlines pero iniulat ng piloto ang problema sa makina isang oras pagkatapos nitong mag-take off.
Ayon sa mga pasahero, nakaamoy sila ng sunog sa loon ng eroplano.
Ligtas namang nakapag-landing ang eroplano at wala namang nasugatan.
Iniimbestigahan na ang nangyari.