Tinawag na walang utak at puro meme lang ni PCCO Asec. Mocha Uson ang mga kritiko ng kaniyang recent fb post para sa mga kasundaluhan sa Mindanao matapos siyang ulanin ng mga batikos sa paggamit ng mga larawan ng Honduran Army para ipinawagan ang pagdadasal sa mga sundalo na nakikipaglaban sa Marawi City.
Ipinost kasi ni Mocha ang isang larawan ng mga sundalong nakaluhod at nagdadasal with a caption “Lets pray for our Army . Ipinalangin din po natin ang mga pamilyang naiwan at nababahala sa kalagayan ng kanilang asawa at tatay”.
Ang isyu kasi ayon sa mga banat ni DJ Mo Twister at Rappler, hindi naman daw Philippine Army ang nasa larawan at sa halip ay mga Honduran Army daw ang inupload ng PCCO Asec.
Hirit pa ng mga ito, as a public official, kelangan daw sumunod si Uson sa “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees,” kung saan sinasabi na ang isang public official ay kailangan na maging excellent at professional sa kaniyang trabaho.
Pero pagtatanggol ni Mocha , hindi niya direktang sinabi na PH Army ang nasa picture na inupload niya, at sinabing symbolism lang ang mga ito sa buong kasundaluhan na nangangailangan ng dasal sa Marawi City.
Sinabi din yang wag puro meme at gumamit ng utak ang mga kritiko bago ito humusga at pumuna.
Matatandaan naman na ito na ang pangalawang beses na nagkamali ng post si Mocha.
Ang una ay noong August 2016 kung saan kaniyang shinare ang post ng campaign spokesperson ni Duterte calling out the church , human rights activist, at ang media for ther supposed silence sa pag rape and murder sa isang batang babae sa bansa. Pero it found out na ang larawan ng batang babae sa kaniyang post ay kuha sa bansang Brazil noong taong 2014.
NI: MARGOT GONZALES