Inalis na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang suspensiyon sa pagpapadala ng mga manggagawa sa Qatar.
Ito ay kasunod ng pagbibigay- katiyakan ng mga opisyal ng naturang bansa na hindi malalagay sa alanganin ang ating mga kababayan, kahit kumalas ng suporta ang ibang Middle East (ME) countries.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, halos magdamag nilang binantayan ang mga development sa Qatar at wala naman silang nakitang dapat na ikaalarma.
Sinabi pa ni Bello, nakausap niya ang labor attaché sa Qatar at tiniyak nitong normal ang situwasyon ng OFWs doon.
Ang pag-lift ng deployment suspension ay dumaan din sa pag-aaral ng crisis committee na binuo ng DOLE.