Naniniwala ang isang ekonomista na makabubuti para sa bansa ang tax reform package ng administrasyon.
Ayon kay University of Asia and the Pacific Professor Dr. Victor Abola, dapat ay maipatupad nang tama ang nasabing reporma sa pagbubuwis.
Ani Abola, maliit lang ang dagdag sa mga presyo at bilihin kung maipatutupad na ang tax reform package.
Sapat aniya para ma-cover ang gastos ng mga masasakop ng subsidiya.
Umaasa si Abola na hindi mauuwi sa korapsyon ang nasabing reporma.
Kahapon ay inaprubahan na ng kamara ang tax reform package matapos sertipikahang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte.