PINAS

Tinatayang P79 na milyong cash, tsekeng narekober sa safe house ng Maute sinimulan nang imbestigahan

Sinimulan nang imbestigahan ng Task Force Marawi ang narekober na tinatayang P79 na milyong cash at tseke mula sa isang safe house ng Maute group sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines-Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Col. Edgard Arevalo, kabilang sa kanilang aalamin kung saan at kanino nanggaling ang narekober na pera.

Sinabi naman ni 1st Infantry Division Spokesperson Lt. Col. Jo- Arr Herrera na nakipag-ugnayan na sila sa ilang financial expert para sa kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Kaugnay nito, may binuo na ring probe team na inatasan para imbestigahan ang narekober na bultu- bultong pera sa ginawang machine gun post ng teroristang grupo sa may bahagi ng Mapandi ng naturang lunsod.