Umatras na si US President Donald Trump sa 2015 Paris Climate Change Agreement.
Kasabay nito’y sinabi rin ni Trump na magsisimula na ang bago at patas na kasunduan na hindi ikadedehado ng mga negosyo ng Amerika at manggagawang Amerikano.
Sa kanyang kampanya, sinabi ni Trump na tutulungan niya ang oil at coal industries ng Amerika.
Inulan naman ng batikos ang anunsiyong ito ni Trump na umaabandona umano sa pagkalider ng Amerika sa isang mahalagang global challenge.
Sa ilalim ng kasunduan, may commitment ang 188 bansa para panatilihin sa maayos na lebel ang temperatura ng mundo.
Tanging ang Syria at Nicaragua lamang ang hindi pumirma sa kasunduan.
Pag-atras ni Trump sa COP21, binatikos
Pinuna ni Senadora Loren Legarda si US President Donald Trump at umano’y pagkaignorante nito sa desisyong umatras sa Paris Climate Change Agreement.
Naging kahiya-hiya rin umano ang US foreign policy sa ginawang ito ni Trump.
Pero hindi pa naman aniya dapat mawalan ng pag-asa dahil puwedeng gawin ng mga Amerikano ang kanilang parte.
Wala na rin aniyang ‘turning back’ sa kasunduan para sa mga lider ng bansa na naliwanagan tungkol sa climate change.
Si Legarda ang chairman ng Subcommittee on the Paris Agreement.
Naging epektibo ang kasunduan sa bansa noong Abril 22.