PINAS

UAE airlines,  kinansela na ang lahat ng flights mula Qatar matapos putulin ang kaugnayan dito

Sinuspinde na ng UAE and Saudi carriers ang lahat ng flights na patungong Qatar matapos na iaanusyo ng United Arab Emirates, Saudi Arabia at Bahrain na pinuputol na ng mga bansang ito ang lahat ng koneksyon at kaugnayan sa Qatar.

Ayon sa mga otoridad , epektibo ngayong martes ang pagkakansela ng lahat ng flights  na  patungo sa nasabing bansa.

Nauna namang inanunsyo ang pagpapaalis sa mga mamayan ng Qatar sa UAE, Saudi at  Bahrain sa loob ng 14  na araw.

Matatatandaan namang ipinalabas ang mga ganitong kautusan matapos di umanong suportahan ng Qatar ang terorismo  at extremism na nangyayari  sa ibat-ibang bansa.