Umarangkada na ang Oplan Balik-Eskwela ng Department of Education(DepEd) ilang araw bago ang pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo a-singko.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni DepEd Undersecretary Jess Mateo, nag-setup ang ahensya ng balik-eskwela centers sa mga regional at division office para masagot ang mga tanong patungkol sa enrolment.
Magtatagal ang balik-eskwela centers hanggang Hunyo a-disi sais o dalawang linggo matapos ang pagbubukas ng klase.
Paliwanag ni Mateo, ito ay dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng grade 12 enrollees.
Inilabas din ng deped ang hotlines nila para sa mga sumbong ng mga magulang at estudyante ngayong pasukan.
Samantala, nagbabala naman ang PAGASA dahil sa posibleng pag-ulan sa unang araw ng klase sa Lunes.
Pinayuhan nito ang mga magulang na magdala ng pananggalang sa ulan.